Matapos ang 26 years, nakatakdang mag-reunite sina Oscar winners Nicole Kidman at Sandra Bullock para sa sequek ng kanilang blackbuster film na “Practical Magic.”

Sinabi ni Warner Bros. na coming soon na ang nasabing pelikula.

Ang “Practical Magic” ay mula sa 1995 novel kung saan ang unang pelikula ay naging classic.

Sa nasabing pelikula, si Sally na si Bullock at Gillian na si Kidman ay magkapatid na mula sa mahabang linya ng mga witches o mangkukulam.

Nasangkot sila sa gusot kay kamatayan at sumpa na nagbabawal sa kanila na maghanap ng tunay na pag-ibig.

-- ADVERTISEMENT --

Ang 1998 film ay kumita ng mahigit $68 million worldwide.

Huling nakita si Bullock sa pelikulang “The Lost City” na kumita ng $100 million sa domestic box office.

Samantala, kamakailan lamang ay lumabas sa Amazon series na “Expats” si Kidman kung saan nakatrabaho niya si Filipino actress Ruby Ruiz.