Halos tapos na ang nilalaman ng talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), ayon sa Malacañang.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, inaasahang makukumpleto ang buong talumpati ng Pangulo pagsapit ng Linggo, isang araw bago ang SONA.

Sinabi rin ni Castro na hindi kabilang sa tatalakayin ng Pangulo ang nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Sa halip, bibigyang-diin sa talumpati ang mga naging tagumpay ng administrasyon sa nakalipas na isang taon at iba pang mahahalagang anunsiyo.

Nauna nang inihayag ng Malacañang na magiging simple ngunit marangal ang pagdaraos ng ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos sa Lunes.