Nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nasa P20 milyong halaga ng iligal na droga sa Davao City nitong kahapon ng madaling araw.

Sinabi ng NBI na ang nasabing mga droga ay nadiskubre sa isang residential unit sa Emily Homes, Cabantian.

Ikinasa ang operasyon ng NBI Southeastern Mindanao Regional Office (NBI SEMRO XI) sa pangunguna ni Regional Director Arcelito Albao at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region XI.

Gayunman, hindi binanggit ng NBI ang mga pangalan ng mga naaresto sa operasyon.

Nasamsam ang 1.575 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na nagkakahalaga ng P17.325 million; 4.885 kilo ng kush na nagkakahalaga ng P5.86 million; isang hanay ng mga produktong nakabatay sa cannabis; mga heat sealer, mga gamit sa repackaging; at delivery boxes na ginamit upang itago ang distribusyon ng droga.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa NBI, inilunsad ang operasyon matapos makatanggap ng report na ang isang residential unit ay ginagamit bilang isang hinihinalang repacking at distribution hub para sa iligal na droga.