Pinangunahan ng Department of Agriculture, Bureau of Customs, at Sugar Regulatory Administration ang inspeksyon ng mga nakumpiskang smuggled na asukal mula Thailand.
Nasabat ang apat na container vans na may lamang 2,000 sako ng refined sugar na nagkakahalaga ng tinatayang 9 milyon piso sa Port of Manila.
Dalawa sa mga container ay mula Thailand, na ipinadala ng Lapaz Multi-purpose Cooperative mula Roxas City nang walang permit mula sa SRA.
Ang dalawa pa ay mula Vietnam at idineklarang sweetener mix upang makaiwas sa mas mataas na buwis.
Itinuring nang abandoned ang shipment ng consignee na Yabai OPC, at iniutos ng DA ang pag-blacklist sa parehong LMC at Yabai bilang sugar traders at importers.
Bukod sa asukal, nakumpiska rin ang smuggled na sigarilyo.
Ayon sa datos ng DA-Inspectorate and Enforcement, umabot na sa P407.6 milyon ang halaga ng nakumpiskang smuggled farm goods mula Enero hanggang May 19, 2025.