Inilarawan ni Senador Robin Padilla si Chinese Ambassador Jing Quan bilang edukado, isang gentleman at diretsong kausap matapos ang kanilang pagkikita sa isang business forum.

Sa pahayag ni Padilla, sinabi niyang mas mainam ang personal at harapang pakikipag-usap sa embahador upang maiwasan ang hidwaan dahil sa palitan ng mga salita na hindi nakatutulong sa kapayapaan at kaunlaran.

Nagpahayag ng papuri ang senador sa gitna ng panawagan ng ilang kapwa senador na ideklarang persona non grata si Jing, kasunod ng kontrobersiyal nitong pahayag na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa sa West Philippine Sea, bagama’t iginiit nitong hindi gagawin ng bansa ang naturang hakbang.

Dahil dito, ipinatawag ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang embahador sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang pag-usapan ang naturang pahayag.