
Kumukupas na ang pag-asang may mas marami pang makikitang survivors matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa western Colombia limang araw na ang nakalipas.
Ayon sa disaster management unit ng Colombia, umabot na sa 294 ang nasawi, habang 320 katao ang nawawala at halos 4,000 iba pa ang nasugatan.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga rescue worker sa mga gumuhong gusali, bagama’t karamihan sa mga lugar ay nakatuon na sa retrieval ng mga bangkay.
Malawak ang pinsala ng lindol sa mga apartment, paaralan, simbahan, ospital at mga bahay.
Ilang residente rin ang napilitang matulog sa mga evacuation center at pansamantalang silungan matapos masira ang kanilang mga tahanan.
Patuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na matinding naapektuhan, ngunit dagdag panganib sa mga rescuer ang 269 aftershocks na naitala matapos ang malakas na lindol.










