
Nakalusot ang Switzerland sa quarterfinals ng FIFA World Cup 2026 matapos pataubin ang Colombia sa penalty shootout, 4-3, kasunod ng 120 minutong walang nakaiskor na laban sa Round of 16 sa Vancouver, Canada.
Nagpakitang-gilas ang magkabilang koponan sa depensa habang nabigo silang makabutas sa regular time at extra time. Ilang beses na nagtangkang makaiskor si Luis Diaz para sa Colombia habang naging banta rin sa opensa ng Switzerland si Fabian Rieder, ngunit nanatiling tabla ang laban hanggang sa penalty shootout.
Sa shootout, nagmintis sina Davinson Sanchez at Cucho Hernandez ng Colombia, kabilang ang mahalagang save ni Swiss goalkeeper Gregor Kobel laban kay Hernandez. Bagama’t sumablay rin si Manuel Akanji ng Switzerland, matagumpay na naipasok ni Ruben Vargas ang ikalimang penalty kick upang selyuhan ang panalo ng Swiss.
Dahil sa tagumpay, umabante ang Switzerland sa World Cup quarterfinals sa unang pagkakataon mula pa noong 1954 at makakaharap nito ang defending champion na Argentina sa susunod na yugto ng torneo.










