Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kaso laban kay PSSG Arla Ray Pacencia kaugnay ng shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22.

Si Pacencia ang tiyahin ng isang child in conflict with the law (CICL) na namaril sa paaralan.

Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, inirekumenda ng Office of the City Prosecutor ng Tacloban City ang pagsasampa ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Physical Injuries laban kay Pacencia, na pormal na ihahain sa Family Court ng Regional Trial Court of Tacloban City.

Nabuo ang rekumendasyon matapos ang preliminary investigation sa reklamong inihain ng mga magulang at estudyante ng paaralan.

-- ADVERTISEMENT --