Darwin Estrañero

Kasama ang pag-kongkreto sa mga lansangan sa prayoridad ng bagong halal na alkalde sa lungsod ng Tabuk, Kalinga.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Mayor elect Darwin Estrañero na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang mga nasimulang proyekto sa ilalim ng Philippine Rural Devolopment Program.

Sinabi ni Estrañero na prayoridad nito ang pagsesemento sa ilan pang mga lansangan sa liblib na lugar tulad ng tatlong Barangay sa upper Tabuk.

Makaka tulong umano ang mga road conreting project sa pag-unlad ng lungsod sa usapin ng turismo at ang posibleng pagtaas ng bilang ng mga mamumuhunan sa lungsod.