
Pinag-aaralan ng Malacañang ang karagdagang hakbang upang maibsan ang epekto sa mga Pilipino ng patuloy na paghina ng piso, na umabot sa P63 kada dolyar.
Ayon sa Palasyp, nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang administrasyon sa pag-aaral ng posibleng epekto nito sa publiko at mga hakbang upang maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan.
Kabilang sa mga nakaaapekto sa ekonomiya ang nagpapatuloy na sigalot sa Middle East at epekto ng El Niño.
Maaari rin umanong makasira sa imahe ng bansa at makapagdulot ng pangamba sa mga mamumuhunan ang political noise at pagpapakalat ng fake news.









