
Nasa biyahe ngayon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungong Kazan, Russia matapos umalis kasama ang kanyang delegasyon dakong 11:55 p.m. kagabi, Hunyo 16 upang dumalo sa ASEAN–Russia Commemorative Summit na nagmamarka sa ika-35 anibersaryo ng ugnayan ng ASEAN at Russia.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga ang paglalakbay dahil ito ang kanyang unang pagbisita sa Russia at kasabay din ng paggunita sa ika-50 anibersaryo ng diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Russia.
Tatalakayin sa summit ng mga lider ng ASEAN at ni Russian President Vladimir Putin ang mga usapin kaugnay ng seguridad, kalakalan at pamumuhunan, food at energy security, agham at teknolohiya, digital transformation, edukasyon, at turismo.
Nakatakda rin ang bilateral meeting nina PBBM at Putin kung saan pag-uusapan ang mga konkretong larangan ng kooperasyon, partikular sa enerhiya at seguridad sa pagkain.
Ayon sa Pangulo, layunin ng Pilipinas bilang kasalukuyang ASEAN Chair na higit pang palalimin ang strategic partnership ng ASEAN at Russia at isulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon.










