
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Robert Joseph Montes de Claro bilang bagong interim Secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Papalitan ni De Claro si Henry Aguda, na kinumpirma ng Pangulo noong weekend na nagbitiw na sa kanyang puwesto.
Si De Claro ay itinalagang SSS President at CEO noong December 6, 2024, matapos munang magsilbing Officer-in-Charge ng ahensya simula October ng naturang taon.
Bago ito, naging miyembro rin siya ng Social Security Commission (SSC) bilang kinatawan ng employers’ sector simula January 2023.
Nagtapos si De Claro ng Bachelor of Science in Computer Science, major in Information Technology, sa De La Salle University.
Mayroon din siyang mahigit tatlong dekadang karanasan sa business at technology sector, kabilang ang paghawak ng mga executive position sa People4u, FutureNow Business Services, JMango Philippines, GlobalOne Solutions at Cloud Sherpas.
Kinakatawan din niya ang SSS sa boards ng PLDT at Union Bank of the Philippines.









