Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mahalagang ambag ng Japan sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas sa kanyang talumpati sa National Diet o National Legislature ng Japan sa ikatlong araw ng kanyang state visit sa naturang bansa.

Ayon sa Pangulo, matagal nang naging matatag na katuwang ng Pilipinas ang Japan pagdating sa kalakalan, pamumuhunan, at development assistance na nakatulong sa imprastraktura, koneksyon, at kabuhayan ng maraming Pilipino.

Binigyang-diin din ni Marcos na nananatiling isa ang Japan sa pinakamalalaking trading partner at pangunahing source ng foreign investments ng bansa mula pa nang maibalik ang diplomatic relations ng dalawang bansa noong 1956.