
Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Nepal matapos ang malawakang flash flood na tumama sa mga nayon sa hangganan ng Nepal at China.
Sa kanyang mensahe sa X, sinabi ng Pangulo na nakikiisa ang Pilipinas sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay at nananalangin para sa kanilang katatagan sa gitna ng trahedya.Mga Southeast Asian at Pacific Islander
Ayon sa mga ulat, hindi bababa sa 270 katao ang nasawi habang mahigit 1,300 ang nawawala matapos ang mapaminsalang pagbaha noong Miyerkules.
Mga Southeast Asian at Pacific Islander
Samantala, sinabi ng Malacañang na wala pang naitalang Filipino casualty hanggang Huwebes ng umaga. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang pamahalaan sa mga awtoridad ng Nepal at sa Filipino community upang matukoy kung may mga Pilipinong naapektuhan.
Batay sa datos, may 18 OFW at 128 Pilipino sa Nepal.










