Nagsagawa ng farewell call sa Malacañang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para kay outgoing Dutch Ambassador Maria Alfonsa Magdalena “Marielle” Geraedts.

Nagpasalamat ang Pangulo kay Geraedts sa ambag nito sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Netherlands sa larangan ng ekonomiya, teknolohiya, kalakalan, maritime affairs at diplomasya.

Kasabay nito, ginugunita ng Pilipinas at Netherlands ang ika-75 anibersaryo ng kanilang relasyong diplomatiko na itinatag noong Mayo 17, 1951.