
Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng panibagong investment commitments mula sa mga kumpanyang Canadian sa kanyang pagbisita sa Vancouver, kabilang ang bilyong pisong pamumuhunan sa pagmimina at renewable energy.
Ayon sa Pangulo, magbubukas ang mga bagong pamumuhunan ng mas maraming trabaho at oportunidad sa mga Pilipino, habang palalakasin ang ekonomiya ng bansa.
Kabilang dito ang planong $1.9 bilyong expansion ng OceanaGold sa Nueva Vizcaya at karagdagang pamumuhunan ng B2Gold sa solar power project sa Masbate.
Samantala, sinalubong naman ng protesta ng ilang Pilipino sa Vancouver ang pagbisita ni Marcos, kung saan nanawagan ang mga ito ng pananagutan sa umano’y katiwalian sa pamahalaan.
Iginiit naman ng Malacañang na hindi ito magpapadala sa anumang pressure at pananagutin ang sinumang mapapatunayang sangkot sa mga anomalya.










