Sinita ng Palasyo si Caloocan 2nd District Rep. Edgar Erice dahil sa pahayag nitong hindi umano kayang ipakulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang pinsan na si dating House Speaker at incumbent Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng kontrobersiya sa flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, pawang teorya at walang batayan sa katotohanan ang naturang pahayag ni Erice.

Aniya, hindi dapat magsalita ang kongresista na tila alam nito ang saloobin ng Pangulo kung hindi naman niya direktang nakausap si Marcos.

Sinabi rin ni Castro na nais niyang personal na makausap si Erice upang malaman kung saan nagmumula ang mga alegasyon nito laban sa Pangulo at hinamon itong maglabas ng ebidensiya.

Samantala, sa kanyang 2026 State of the Nation Address, iniulat ni Marcos ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang opisyal at contractor na sangkot umano sa flood control projects scam, gayundin ang inaasahang pagsasampa ng kaso laban kay Romualdez.

-- ADVERTISEMENT --