
Hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na bumoto nang maayos at mapayapa para sa unang Bangsamoro Parliamentary elections.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang yugto sa kasaysayan ng BARMM at ng bansa ang halalan dahil magtatakda ito ng mga lider na mamumuno sa rehiyon.
Umaasa ang pangulo na pipili ang mga botante ng mga lider na makapagpapalakas sa pamahalaan ng Bangsamoro at makatutulong sa pag-unlad ng Mindanao.
Nanawagan din ang pangulo na pangalagaan ang integridad ng halalan at panatilihin ang kapayapaan sa buong proseso.
Sinabi ni Marcos na ang maayos na pagpili ng mga lider ay makatutulong sa pagpapatatag ng kapayapaan, pamamahala at pagkakaisa ng bansa.
-- ADVERTISEMENT --










