
Walang penalty na ipinataw ang Women’s Tennis Association o WTA kay Alex Eala matapos nitong laktawan ang China Open para kumatawan sa Pilipinas sa Asian Games.
Ayon sa Philippine Tennis Association, nakipag-ugnayan sila sa WTA bago ang desisyon ni Eala at hiniling na i-waive ang anumang posibleng parusa.
Sinabi ng PHILTA na pinili mismo ni Eala na sumali sa Asian Games at kinumpirma ring Olympic qualifier ang torneo para sa Pilipinas.
Nakuha ni Eala ang bronze medal sa singles event ng Asian Games at inaasahang babalik sa WTA tour sa susunod na linggo para sa Wuhan Open.










