
Muling pinagtibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang matagal nang alyansa habang ginugunita ang ika-75 anibersaryo ng Mutual Defense Treaty (MDT), sa gitna ng tumitinding tensyon sa Indo-Pacific region.
Nagpahayag ng pagbati si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kay US Secretary of War Pete Hegseth kasunod ng plenary address nito sa International Institute for Strategic Studies (IISS) Shangri-La Dialogue.
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Hegseth ang malakas na suporta ng Pilipinas sa pagpapalakas ng ugnayan ng US at mga kaalyado sa Indo-Pacific.
Pinuri rin niya ang matagumpay na pagsasagawa ng Balikatan Exercises kung saan lumahok ang mahigit 17,000 sundalo mula sa Pilipinas, Estados Unidos, at iba pang partner nations gaya ng Australia, Canada, France, Japan, at New Zealand.
Ayon sa mga opisyal, layunin ng pinalakas na military cooperation na mapatatag ang seguridad at kooperasyon ng mga kaalyado sa rehiyon sa gitna ng lumalalang geopolitical tensions.








