Inanunsyo ng Estados Unidos ang paglilipat ng isang US Coast Guard vessel sa Pilipinas upang palakasin ang maritime at territorial patrol operations ng bansa.

Sa ginanap na Shangri-La Dialogue sa Singapore, sinabi ni US Defense Secretary Pete Hegseth na ililipat nila ang isang 210-foot Reliance-class cutter bilang bahagi ng patuloy na kooperasyong pangdepensa ng dalawang bansa.

Tinanggap nina Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang anunsyo ng paglilipat ng barko.

Ayon kay Teodoro, patuloy na palalalimin ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang ugnayan at kooperasyon para sa pagsusulong ng magkatuwang na interes at mas matatag na partnership.