Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdodoble ng PhilHealth benefit package para sa mga batang may developmental disabilities bilang bahagi ng pagpapalawak ng suporta sa kanilang konsultasyon at therapy.

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinabi ng Pangulo na itataas din mula 90 hanggang 150 ang bilang ng therapy sessions na sasagutin ng PhilHealth.

Dagdag pa niya, magbibigay rin ng karagdagang tulong pinansyal ang Project Aruga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Binigyang-diin din ni Marcos na tuloy-tuloy ang pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng e-MAIFIP, kung saan hindi na kailangan ng guarantee letter mula sa mga pulitiko upang makakuha ng medical assistance sa mga ospital ng Department of Health (DOH).

Aniya, maaari na itong ma-access online sa pamamagitan ng eGovPH app.

-- ADVERTISEMENT --