Target ng PhilHealth na mapalawak sa 60 milyon ang bilang ng mga benepisyaryo ng Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP pagsapit ng katapusan ng 2027.

Ayon kay PhilHealth President at CEO Beverly Lorraine Ho, nasa 22 milyon na ang mga benepisyaryo ng programa noong Oktubre at inaasahang aabot sa 27 milyon bago matapos ang 2026.

Saklaw ng YAKAP ang basic medical consultation, mga gamot para sa outpatient treatment at cancer screening.

Palalawakin din sa 135 ang mga saklaw na gamot simula Enero 2027, mula sa dating 75.

Layunin ng programa na mahikayat ang mga Pilipino na magpatingin nang maaga at mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot.

-- ADVERTISEMENT --