
Inihayag ng Embahada ng Pilipinas sa Japan na wala pang naitatalang nasugatan o nasawi na mga Pilipino matapos ang magnitude 7.4 na lindol sa baybayin ng Tohoku.
Gayunman, patuloy nitong mino-monitor ang sitwasyon.
Ang nasabing lindol ay tumama sa hilagang-silangan at hilagang bahagi ng Japan, na nag-udyok sa weather agency ng bansa na maglabas ng tsunami warning at espesyal na babala tungkol sa mas mataas na posibilidad ng isa pang malakas na lindol sa loob ng susunod na linggo.
Dagdag pa ng embahada, agad nitong kinontak ang mga lider ng komunidad ng mga Pilipino sa Hokkaido, Aomori, Iwate, at Miyagi upang alamin ang kalagayan ng mga Pilipino roon.
Batay sa tala, may humigit-kumulang 8,301 Pilipino ang naninirahan sa mga nasabing lugar: 3,822 sa Hokkaido, 1,811 sa Miyagi, 1,620 sa Iwate, at 1,048 sa Aomori.
The Philippine Embassy in Japan on Monday said there have been no reports of Filipino casualties after the magnitude 7.5 earthquake off Tohoku’s coast, adding that it continues to monitor the situation as tsunami warnings remain in effect for coastal areas.










