
Nanindigan ang Department of National Defense (DND) na patuloy nitong ipagtatanggol ang karapatan at teritoryal na integridad ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Award.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., mahalaga ang naturang desisyon dahil kinilala nito ang karapatan ng bansa sa Exclusive Economic Zone (EEZ).
Binigyang-diin niya na lumalawak ang kamalayan at suporta ng mga Pilipino sa pagtatanggol sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Teodoro na patuloy na palalakasin ng DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kakayahan ng bansa sa depensa habang pinangangalagaan ang mga tagumpay sa seguridad.
Dagdag niya, mananatiling nakatuon ang Pilipinas sa pagtataguyod ng international law, partikular ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), at hindi papayag na mawala ang mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
” Ultimately, we will resist and combat any attempts to deny our rights and entitlements in the West Philippine Sea – for these are not only ours to protect, but also those of future generations of Filipinos,” pahayag ni Sec. Gilberto Teodoro.










