Patuloy na humina ang piso laban sa US dollar matapos bumagsak sa bagong record low na ₱62.86 kada dolyar nitong Lunes.

Mas mahina ito ng 18 sentimos kumpara sa nakaraang ₱62.68, habang umabot pa sa ₱62.875 ang pinakamababang intraday level.

Ayon sa mga trader, pinapalakas ng inaasahang pagtataas ng interest rates ng US Federal Reserve ang dolyar, lalo na matapos lumabas ang datos na nagpapakitang bumilis ang inflation sa Estados Unidos noong Agosto.

Samantala, sinabi ng UOB na nananatiling mahina ang piso dahil sa pagdepende ng Pilipinas sa imported oil at mga panganib sa suplay ng enerhiya.

Inaasahan ng bangko na mananatili sa paligid ng ₱62.90 kada dolyar ang piso sa huling quarter ng taon bago bahagyang lumakas sa ₱62.70 sa unang quarter ng 2027.

-- ADVERTISEMENT --