
Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na umabot na sa 51 katao ang naaresto sa kasagsagan ng mga kilos-protesta bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, Hulyo 27.
Ayon kay Nartatez, hindi pa pinal ang naturang bilang at maaari pa itong madagdagan habang nagpapatuloy ang mga rally sa iba’t ibang lugar.
Iginiit ng PNP chief na may sapat na batayan ang mga isinagawang pag-aresto dahil sa paglabag umano ng mga nagprotesta sa mga lokal na ordinansa at ilang batas, kabilang ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act, at pagbabawal sa pagsusuot ng balaclava o pantakip sa mukha.










