Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang maayos na crowd management sa pamamahagi ng subsidiya para sa transport sector.

Nag-ugat ang hakbang na ito matapos makatanggap ng mga ulat ng kaguluhan sa Quezon City nitong weekend, kung saan nagreklamo ang ilang PUV drivers dahil sa kalituhan sa sistema ng pila at singitan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kailangang ayusin ang sistema ng pila at onsite supervision upang maiwasan ang aberya sa susunod na rollout ng fuel subsidy program na layong makatulong sa epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina.