
Paiigtingin ng Philippine National Police (PNP) ang mga hakbang para matiyak ang ligtas na pag-iingat ng mga baril na issued sa kanilang mga tauhan, kasunod ng shooting sa Ateneo de Zamboanga University.
Inatasan ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga commander na paalalahanan ang mga pulis sa tamang pag-iimbak at paghawak ng kanilang firearms, lalo na kapag off duty at nasa bahay.
Iginiit ng PNP na hindi dapat nailalagay ang mga baril sa lugar na maaaring maabot ng mga bata o unauthorized persons.
Ayon kay Nartatez, may malaking responsibilidad ang pagmamay-ari o pagdadala ng baril at hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang ligtas na pagtatago nito.
-- ADVERTISEMENT --










