
Tiniyak ng Philippine National Police ang mahigpit na seguridad para sa gaganaping 2026 Bar Examinations.
Inatasan ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang mga police units na magtalaga ng sapat na tauhan at resources para mapanatili ang peace and order sa tatlong araw na pagsusulit.
Gaganapin ang Bar Exams sa September 6, 9 at 13 sa 15 testing centers sa buong bansa.
Pito rito ay nasa Metro Manila, tatlo sa Luzon, tatlo sa Visayas at dalawa sa Mindanao.
Inaasahang makaaapekto sa daloy ng trapiko ang pagsusulit, partikular sa mga kalsadang papunta at palabas ng testing centers.
Dahil dito, makikipag-ugnayan ang PNP sa mga local authorities para sa maayos na traffic management at road safety.
Sa ngayon, wala pang namomonitor ang pulisya na anumang banta na may kaugnayan sa Bar Exams.
Gayunman, patuloy ang police presence at security coordination sa mga lugar na malapit sa testing centers.
Hinimok naman ni General Nartatez ang mga examinees na makipagtulungan sa mga security personnel, sumunod sa mga itinakdang protocol at manatiling alerto habang papunta at pauwi sa kanilang examination venues.










