Nakaalerto ang DSWD Quick Response Teams bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Saudel na inaasahang magpapalakas sa habagat at magdadala ng malakas na ulan sa Luzon.

Tiniyak ng DSWD na sapat ang kanilang relief supplies, kabilang ang mahigit 3.85-M family food packs at P715.25-M quick response funds na nakapuwesto sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Patuloy rin ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng mga nagdaang sama ng panahon, na umabot na sa P1.03-B ang kabuuang humanitarian assistance.

Nakikipag-ugnayan din ang ahensya sa mga social action center at simbahan bilang karagdagang distribution points para mas mabilis na makarating ang food packs sa mga nangangailangang pamilya.

-- ADVERTISEMENT --