
Darating sa bansa ang General Secretary ng Central Committee of the Communist Party at Viet Nam President na si To Lam para sa isang state visit mula Mayo 31 hanggang Hunyo 1.
Sasalubungin siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Vietnam at ika-10 taon ng strategic partnership ng dalawang bansa.
Ito rin ang kauna-unahang state visit sa Pilipinas ng lider ng Communist Party ng Vietnam.
Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas ng ugnayan sa kalakalan, food security, depensa, maritime cooperation, edukasyon, turismo, at people-to-people exchanges.
Nanatiling nag-iisang strategic partner ng Pilipinas sa Southeast Asia ang Vietnam. Mahigit 7,000 Pilipino rin ang naninirahan doon.
Target ding buksan ngayong taon ang Philippine Consulate General sa Ho Chi Minh City.










