Ipinahayag ng Ukraine ang kahandaang palalimin ang kooperasyon sa Pilipinas, partikular sa larangan ng depensa, cybersecurity at disaster preparedness, sa gitna ng magkatulad na hamon sa pagtatanggol ng soberanya at teritoryo.

Ayon kay Ukrainian Ambassador to the Philippines Yuliia Fediv, mahalagang magkaisa ang maliliit at katamtamang laki ng mga bansa upang mapangalagaan ang international law at maiwasan ang paggamit ng puwersa sa pagresolba ng mga sigalot.

Inihayag din ni Fediv ang kahandaang ibahagi sa Pilipinas ang kanilang karanasan sa drone warfare at unmanned systems, bagama’t patuloy pa ang pagtalakay sa mga posibleng joint programs.

Maaari rin umanong palawakin ang pagtutulungan sa civil defense, cybersecurity at pagpapalakas ng kahandaan ng mga komunidad sa panahon ng kalamidad.

Binigyang-diin din ng opisyal ang kahalagahan ng media literacy at paglaban sa disinformation, batay sa karanasan ng Ukraine sa information warfare kasabay ng digmaan nito laban sa Russia.

-- ADVERTISEMENT --