
Dati na umanong tumaas ang presyo ng karamihan sa mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan bago pa man inanunsyo ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association (PAGASA) na tataas ang halaga ng ilang produkto ngayong araw.
Sinabi ni Amihan Mabalay, tagapagsalita ng Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan (SUKI) Network, matagal nang nagmahal ang mga bilihin.
Na-monitor umano nila ito hindi lamang sa mga supermarket kundi maging sa mga palengke.
Giit niya, madalas ay sinasabi ng ilang manufacturer na hindi sila magtataas ng presyo, ngunit limitado lamang ito sa ilang variety ng produkto at hindi sa kabuuan.









