Nangunguna ang probinsiya ng Cagayan na may pinakamaraming naiulat na nasugatan dahil sa paputok kasabay ng pagsalubong ng bagong taon.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, mayroong naitalang 11 biktima ng paputok sa probinsya na sinundan ng Isabela na may pito, tatlo sa Nueva Vizcata at sa Quirino ay dalawa

Kaugnay nito ay umakyat sa 23 ang bilang ng fireworks related injury dito sa lambak Cagayan.

Batay sa datos ng DOH, mas mababa ito kumpara sa 34 na kaso na naitala sa kaparehong panahon noong 2021, mula december 21 hanggang sa bisperas ng pagsalubong ng bagong taon.

Karamihan sa mga biktima ay mga kalalakihan na may edad 1 hanggang 43.

-- ADVERTISEMENT --

Sampu sa mga naitalang kaso ay tinamaan sa mata dahil sa paggamit ng boga at kwitis habang ang iba ay nagtamo ng sugat sa daliri, kamay, hita, dibdib, leeg at ulo.

Nanatili naman na zero case sa firework related injury ang isla ng Batanes.

Magtatapos sa January 5 ang surveillance ng DOH Region 2 na sinimulan nitong december 21.