Umabot na sa tinatayang 13,000 angh bilang ng mga raliyistang nagtipon sa paligid ng EDSA People Power Monument sa Quezon City hanggang alas-tres ng hapon, ayon sa National Capital Region Police Office o NCRPO

Ayon kay NCRPO Regional Director Police Major General Anthony Aberin, nananatiling mapayapa ang pagtitipon sa kabila ng pagdami ng mga kalahok na nakaapekto sa daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Nanawagan si Aberin sa mga raliyista na pairalin ang disiplina at sundin ang mga alituntunin ng pulisya upang maiwasan ang anumang insidente.

Samantala, muling iginiit ng Department of the Interior and Local Government na ipinatutupad ng Philippine National Police ang maximum tolerance upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdaraos ng kilos-protesta.