Balik na sa limang araw na workweek arrangement ang mga tanggapan sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay matapos pirmahan ni Labor Secretary Francis Tolentino ang memorandum na nagbabalik sa standard workweek na epektibo sa Lunes, June 1.

Nagpatupad ng 4-day workweek at alternative work arrangements ang kagawaran alinsunod sa direktiba ng Office of the President uoang makatipid sa enerhiya sa gitna ng nararanasang krisis dahil sa tensiyon sa middle east.

Naitala naman ng DOLE ang pagbaba sa konsumo ng kuryente sa mga nakalipas na buwan at nakatipid din sa langis.

Samantala, tiniyak ng kagawaran na magpapatuloy sila sa pagtitipid kahit ibinalik na ang normal na working arrangements.

-- ADVERTISEMENT --