Epektibo na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong umaga, araw ng Martes, Setyembre 29, matapos ang tatlong magkakasunod na linggong pagtaas.

Ayon sa Department of Energy, bumaba ng P7.57 kada litro ang diesel, P5.85 ang kerosene, at P0.24 ang gasolina.

Mananatili ang bagong presyo hanggang Oktubre 5.

Sa kabila ng rollback, umabot sa P18.31 kada litro ang kabuuang itinaas ng diesel ngayong buwan, P16.67 sa kerosene at P15.25 sa gasolina.

Ang pagbaba ng presyo ay kasunod ng pagluwag ng pandaigdigang presyo ng langis, kabilang ang pag-anunsyo ng Saudi Arabia na ibabalik nito ang 40 porsiyento ng operasyon sa oil exports.

-- ADVERTISEMENT --