Muling naglunsad ng airstrike ang Russia sa Ukraine matapos ang tatlong araw na tigil-putukan na isinagawa ng dalawang bansa.

Sa pinakahuling pag-atake sa Kyiv, dalawang katao ang nasawi, habang ilang lugar sa lungsod ang napinsala, kabilang ang Darnytskyi, Holosiivskyi, Podilskyi, Shevchenkivskyi at Solomianskyi districts.

Ayon sa Ukraine Air Force, napabagsak ng kanilang mga depensa ang 142 drone, 31 sa 32 cruise missiles at dalawang ballistic missiles na inilunsad ng Russia.

Matatandaang nagpatupad ng tatlong araw na tigil-putukan ang Russia at Ukraine kasabay ng pagbisita ng isang US envoy na nagsusulong ng mga kasunduan para sa ceasefire.