
Isang Russian drone ang tumama sa isang passenger train sa Yahodyn railway station sa kanlurang Ukraine, malapit lamang sa hangganan ng Poland, noong Linggo, Setyembre 13, 2026.
Nasa mismong istasyon at sakay ng ibang tren noon si dating CIA Director David Petraeus nang maganap ang pag-atake.
Agad na inilikas ang mga pasahero matapos ma-detect ang paparating na drone, at walang naiulat na nasawi o nasugatan sa tren.
Ilang minuto bago ang pag-atake, nakaraan na sa lugar ang isang diplomatic train na sakay sina dating British Prime Minister Boris Johnson, dating Swedish Prime Minister Carl Bildt at iba pang European security officials at dignitaries na galing sa Kyiv.
Ayon sa Ukrainian state railway operator na Ukrzaliznytsia, posibleng ang diplomatic train ang tunay na target ng drone, lalo na’t mas maaga itong umalis sa istasyon dahil sa patuloy na banta ng mga Russian strike.
Gayunman, wala pang kumpirmasyon na iyon nga ang target.
Dahil nasa humigit-kumulang 2 kilometro lamang mula sa Polish border ang lugar ng insidente, muling umigting ang pangamba sa posibilidad na lumawak ang panganib ng digmaan hanggang sa paligid ng teritoryo ng NATO.









