
Ibinasura ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ni Jinggoy Estrada na magtakda ng piyansa sa kinakaharap nitong P573-milyong kasong plunder kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
Ayon sa korte, napaaga ang kahilingan ng senador dahil kailangan muna nitong magsumite ng pormal na aplikasyon para sa piyansa at dumaan sa pagdinig bago matukoy kung maaari siyang payagang makapagpiyansa.
Bukod sa kasong plunder, nahaharap din si Estrada sa dalawang kasong graft kaugnay ng kaparehong isyu.










