
Aminado umano si Senador Loren Legarda na nagkamali siya sa pagsama sa grupong pinamumunuan ni dating Senate President Alan Peter Cayetano matapos nitong maagaw ang liderato ng Senado noong Mayo 11.
Ayon kay Lacson, sinabi ni Legarda sa kanilang huling pag-uusap na pinagsisisihan niya ang naging desisyon.
Dagdag ni Lacson, malugod na tatanggapin ng majority bloc si Legarda kung gugustuhin nitong bumalik.
Gayunman, sinabi iginiit niya na desisyon pa rin ito ng senador at hindi pa malinaw kung tuluyang babalik sa majority.
Kasalukuyang naka-medical leave si Legarda mula pa noong Agosto 3.
-- ADVERTISEMENT --










