Nanindigan si Alan Peter Cayetano na dapat payagang makadalo sina Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta sa impeachment trial ni Sara Duterte sa Senado.

Sa kanyang kontra-SONA, sinabi ni Cayetano na naniniwala siyang dapat mabigyan ng pagkakataon ang dalawa na makalahok sa paglilitis sa kabila ng kanilang pagkakadetine.

Muli rin niyang iginiit ang aniya’y isyu ng “selective justice” sa bansa.

Nanawagan din ang senador sa pamahalaan na pairalin ang patas na hustisya at pagkakaisa, kasabay ng panawagang magtulungan ang lahat para sa iisang pambansang adhikain.