Muling iniimbestigahan ng Commission on Elections si Senador Francis Chiz Escudero kaugnay ng umano’y iligal na campaign donation para sa kanyang 2022 senatorial bid.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, hawak na ng law department ng ahensya ang kaso matapos may magsampa ng pormal na reklamo laban sa senador bukod pa sa naunang motu proprio investigation ng Comelec.

Nauna nang nilinis ng Political Finance and Affairs Department ng Comelec si Escudero at si Lawrence Lubiano kaugnay ng ₱30 milyong campaign donation, matapos matukoy na magkaibang legal entities si Lubiano at ang Centerways Construction and Development Inc.

Samantala, sinabi rin ng Office of the Ombudsman na nasa preliminary investigation stage na ang reklamo laban kay Escudero kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Ombudsman spokesperson Mico Clavano, pinagsusumite na ng counter affidavit ang senador upang magpatuloy ang imbestigasyon.

-- ADVERTISEMENT --