Naghain si ML Party-list Rep. Leila de Lima ng panukalang batas na magpapataw ng taunang ultra-wealth tax sa mga bilyonaryo sa Pilipinas, partikular sa mga may net taxable assets na lampas P1 bilyon.

Sa ilalim ng House Bill No. 9274 o Ultra-Wealth Tax Act, layunin nitong amyendahan ang ilang probisyon ng National Internal Revenue Code at tugunan ang lumalaking agwat ng mayaman at mahirap sa bansa.

Sa panukala, ipapataw ang 1% na buwis sa yaman na lampas P1 bilyon, 2% sa lampas P2 bilyon, at 3% sa lampas P3 bilyon.

Ayon kay de Lima, mas mabigat ang pasaning buwis sa mga ordinaryong mamamayan dahil sa consumption taxes, kaya kailangan ng mas progresibong sistema ng pagbubuwis upang mapababa ang inequality sa ekonomiya.