Kinuwestiyon ni Senator Imee Marcos ang umano’y panukalang joint venture na konektado sa Pax Silica project sa New Clark City, Tarlac, dahil posibleng may dayuhang entity na sangkot sa pagmamay-ari at pamamahala ng lupa.

Ayon kay Marcos, nakatanggap siya umano ng draft ng architecture ng proposed economic special zone framework mula sa Department of Justice. Nakasaad umano rito ang 60-40 joint venture, kung saan 60% ay pagmamay-ari ng mga Pilipino at 40% naman ng foreign entities.

Iginiit ni Marcos na dapat suriin kung bakit kailangan ang joint venture para sa pagmamay-ari ng lupa, gayong maaari umanong pangasiwaan ito ng Bases Conversion and Development Authority o BCDA o iba pang government-owned and controlled corporations na 100% Filipino-owned.

Kinuwestiyon din niya ang umano’y alok na P300,000 para sa ilang ektarya ng lupa ng mga magsasaka sa ilang barangay sa Tarlac.

Gayunman, nilinaw ni Marcos na hindi siya tutol sa Pax Silica project at sa mga investment na maaari nitong dalhin. Hiniling lamang niyang masusing pag-aralan ang umano’y dokumento at tiyaking walang mawawalang karapatan sa mga Pilipino.

-- ADVERTISEMENT --

Layunin ng Pax Silica initiative na magtatag ng 4,000-acre industrial hub para sa artificial intelligence-focused investments sa Luzon Economic Corridor. Nauna nang sinabi ng Malacañang na maaari pang baguhin ang ilang probisyon ng proyekto at hindi nito idedepressplace ang mga magsasaka.