
Bago sumuko sa mga awtoridad, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na hindi niya hihilingin ang kustodiya ng Senado at hindi niya ito gagamitin bilang proteksyon sa kinahaharap niyang kasong plunder.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Sen. Estrada na inatasan na niya ang Senate Secretary na ipahinto muna ang kanyang suweldo bilang patunay na wala siyang intensiyong makinabang sa pondo ng gobyerno habang nililinis niya ang kanyang pangalan.
Dagdag pa ng senador na hindi niya papasailalim sa kustodiya ng Senado at hindi niya gagamitin ang institusyon bilang panangga laban sa mga paratang sa kanya.
Ayon pa kay Sen. Estrada, mananatili siyang kasama ng mayorya sa Senado na pinangungunahan ni Senate President Alan Peter Cayetano.




