Handang harapin ni Jinggoy Estrada ang mga kasong plunder at malversation na nakatakdang isampa ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.

Ayon sa senador, makikipagpulong muna siya sa kanyang mga abogado upang pag-aralan ang mga susunod niyang legal na hakbang.

Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na pipirmahan niya ang resolusyon para sa pagsasampa ng mga kaso laban kay Estrada kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyektong flood control na iniimbestigahan ng Department of Justice o DOJ.

Kasama rin sa rekomendasyon ng DOJ ang posibleng pagsasampa ng kaso laban kay Joel Villanueva at ilang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Nang tanungin kung may bahid ng politika ang mga kaso, tumanggi si Estrada na magbigay ng direktang pahayag.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabila ng mga alegasyon, iginiit ng senador na patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin sa Senado.