Pinuna ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang isang kapwa senator-judge sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na aniya’y nagpapamukhang “bobo” sa ilang bahagi ng pagdinig.

Sa kanyang social media post, hindi pinangalanan ni Lacson ang tinutukoy niyang senador ngunit sinabi niyang marami sanang natututunan ang publiko kapag mahusay ang mga abogado ng prosekusyon at depensa.

Aniya, nasisira lamang ito kapag may senator-judge na hindi umano maayos ang paghawak sa mga usapin.

Dagdag pa ni Lacson, nakakahiya at hindi pangkaraniwan ang sitwasyong tila ang isang hukom pa ang napapangaralan ng abogado tungkol sa Konstitusyon, Rules of Court, at mga umiiral na jurisprudence sa gitna ng paglilitis.