
Handa na sa pag-alis sa kanyang detention facility sa Senado ang contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya.
Ito ay para sa pagsisilbi ng warrant of arrest na inisyu ng Bulacan Regional Trial Court (RTC) Branch 20 kung saan ito kinasuhan ng malversation kaugnay ng flood control scam.
Naisaayos na ng Senado ang mga gamit ni Discaya para sa pag-turn over sa mga otoridad.
Naisailalim na rin siya sa medical examination at nabigyan na ng doktor ng senado ng medical certificate.
Nakakulong si Discaya sa Senado mula nung Setyembre 2025 matapos na ma-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) sa gitna ng imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects.
Naunang nakulong na rin sa Quezon City Jail ang mga dating kasama ni Discaya na mga dating Bulacan Department Of Public Works And Highways (DPWH) officials at engineers na na-contempt dahil sa pagsisinungaling.










